My True Friends

PDF-file by Ramon Bautista

My True Friends PDF ebook download Pag sinabing friend, nandyan ang friendzone. Ito ang mga iniibig nating tinuturing tayong kaibigan lang. Pag sinabing friend, nandyan din ang user-friendly. Ang mga nilalang na nagiging kaibigan lamang sa mga oras ng matitinding pangangailangan. Ika nga, a friend in need is a friend indeed. At huli sa lahat pag sinabing friend, nandyan din ang true friend.

Pero ano ba talaga ang isang tunay na kaibigan?

Siya ba ang kaibigan na mauutangan? Siya ba ang kaibigang manlilibre sa atin sa tuwing tayo ay maglalambing ng burger, chichiriya, bayad sa jeep, or sine? Ang magpapahiram sa atin ng iPad niya kapag tinatawag tayo ng kinaadikan nating app? Siya ba ay tunay na kaibigan dahil kunsintidor siya ng kalandian? O ang tunay na kaibigan ba ay ang taong magbibigay sa’yo ng atay kung sakaling bumigay na ang iyo? O siya ba ang handang papasukin ka sa kanilang tahanan sakaling ika’y palayasin ng iyong nanay o sa simpleng kadahilanang natatae ka lang? Iba’t-ibang tao ang ating makikilala at iilan lamang ang mapapabilang sa ating barkada. May mga mababait, kups, emo, laging late, madaldal at nandyan ang tiga-kwenta ng mga babayaran tuwing kakain tayo sa restaurant. Boy-girl-bakla-tomboy-butiki-baboy ang mga barkada natin. Comes in all shapes and sizes.

Sa labas ng ating barkada, nandyan ang mga taong “others.” Hindi natin sila kinakausap dahil iba sila. Maaring iba sila dahil iba ang kanilang trip, itsura, o idol nila ang mga taong nababaduyan tayo?

Maaring iba din sila dahil iniimagine lang natin at hindi natin sila kinikilala. Kailangan nating kilalanin, intindihin ang mga sari-saring tao. Yan ang dahilan kung bakit nasa’yo itong libro na ito. Ipasagot mo ito hindi lamang sa iyong mga friends kundi sa ibang tao rin. Ipasagot mo sa mga istambay, sa mga sosyal, sa mga rockers, sa matatanda, sa mga taong grasa at sa mga taong iniidolo ang mga taong nababaduyan tayo upang mas maintindihan natin sila.

With understanding comes tolerance, and with tolerance comes World Peace.

—Ramon Bautista

eBook My True Friends

FilenameFormatSizeDownload
my_true_friends.pdfPDF1.9 Mb
my_true_friends.rarRAR-archive1.71 Mb
my_true_friends.torrenttorrent0.08 Mb